By Rea Sofia L. Ramos
Bumandera sa ikaapat na pwesto ang Gov. Alfonso D. Tan College (GADTC) sa isinagawang Ritual Competition bilang bahagi sa selebrasyon ng Dalit Fesrtival, Setyembre 29.
Nilahokan ang nasabing patimpalak ng 11 na paaralang sekondarya at dalawang paaralang pangkolehiyo ng Lungsod ng Tangub na ginananap sa Tangub City Sports Complex.
Ginaganap ito taon-taon bilang selebrasyon sa kapistahan ni Sr. San Miguel at isang paraan bilang pasasalamat sa mga biyayang natatanggap ng lungsod sa bawat taong nagdaan.
Ayon kay James Neil E. Fuentes, kalahok, na sa kabila ng mga problemang hinarap nila ay nananatili silang matatag sapagkat mayroon silang pinaglalaban.
“We fully put our best kasi gusto namin na makakuha ng place despite of all the circumstances and hardships, pinunan talaga namin sa practice at training kaya nagbunga lahat ng magandang pangyayari sa buhay naming dalit dancers,” saad ni Fuentes.
Dagdag pa niya na ang tanging ginawa lamang nila ay ang pagtibayin ang kanilang paniniwala at pananampalataya kay Sr. San Miguel, ang patron ng Tangub.
“Pinagtibayan lang namin ang loob namin at nilakasan namin ang pananampalataya kay Sr. San Miguel kasi wala naman sigurong dahilan na hindi kami mapabilang kasi naniniwala kaming walang imposible sa taong naniniwala at nagsisikap,” aniya.
Samantala, hinirang namang 1st runner up ang kandidato ng GADTC sa isinagawang Hara sa Dalit 2019 sa katauhan ni Tracy Lagura. Nasungkit rin nila ang pangalawang pwesto sa Street Dancing Competition, at unang pwesto sa Best in Sr. San Miguel Arch.
Sa taong ito, ang Dalit Festival ay hindi ”invitational” na kung saan pwedeng sumali ang mga iba’t-ibang dancing troupe mula sa mag kalapit na lugar.
Related News