Tertulia 2019: GADTC nasungkit muli ang Kampyonato

Published: 2019-09-20                 Category: Arts and Culture |

By Rea Sofia L. Ramos

Sa ikaapat na sunod-sunod na pagkakataon, nagkampiyon muli ang Gov. Alfonso D. Tan College sa pagsasanaw ng Folk Dance sa taunang Tertulia, Setyembre 17.

Nilahokan ito ng ibat ibang ahensya ng lungsod na kung saan ito ay isang pagtitipon na isinasagawa tuwing buwan ng kapistahan ni Sr. San Miguel na ginanap sa Sinanduloy Cultural Center.

Naipamalas ng mga kalahok ang talento ng isang Alfonsos sa pamamagitan ng pagsayaw ng Balse Desposorio na kung saan nagtulong-tulong ang bawat isa sa pagsasanay ng nasabing sayaw.

Sa taong ito, ito ang ikalabing dalawang pagkakataon na nasungkit ng GADTC ang kampiyonato sa mga taong 2004, 2006, 2007, 2009, 2010, 2011, 2013, 2014, 2016, 2017, 2018, at 2019, at  naparangalan din sa taong ito ng Best in Costume.

Samantala, isa rin sa mga naging tampok ng pagtitipon ay ang Dama de Noche na kung saan bibigyan ng parangal ang sinumang may pinakamagarang kasuotan.



Related News